Una sa Balita

First time ni lolo

By
0 756

May balita ako tungkol sa isang ale na nasagasaan sa highway. Isang senior citizen ang nagmamaneho ng sasakyan, papunta sa Mcdo si lolo para mag-almusal. Galing siya sa simbahan. Marahan lang ang takbo niya… 30kph. Maingat na rin. Wala na ‘yung talas ng isang race driver. Si ale, tumatawid ng kalye, may overpass naman, pero hindi niya ginamit. Mataas daw kasi. Nakakapagod. Nahagip si ale ng kotse ni lolo. Humandusay sa kalye. Mukhang napuruhan.

Nataranta si lolo. First time niyang makabangga ng tao. Normal naman ang takbo niya. Wala naman siyang ginitgit o in-overtake. Naisip niya: “Diyos ko, bakit nangyari ito?” Bumaba siya ng kotse. Tumawag ng ambulansya. Nanginginig siya. Ayaw niyang hawakan ‘yung ale. Kasi sa alam niya, bawal galawin hanggang wala ‘yung rescue ambulance.

Dumating ang mga pulis. Nag-imbestiga ng pangyayari. Sabi ni lolo: “Mamang pulis, bigla po siyang tumawid patakbo. Huli na po nang mapansin ko. Hindi ko na po naiwasan kaya nabangga ko siya.
May nginig pa ang boses ni lolo. Animo’y maiiyak. Alam mong hindi rin siya mapakali dahil may nasaktan siyang tao.

Mag-aalmusal lang naman siya.

Hindi naman siya gumising para manakit. At higit pa run, bertday niya kaya siya nagsimba. Plano niyang mag-almusal tapos tutuloy siya sa sementeryo para bisitahin ‘yung asawa niyang namatay isang taon pa lang ang nakakaraan. ‘Dun sana siya mag-cecelebrate. Pero iba ang nangyari.

Inimbita si lolo sa presinto. ‘Dun na raw niya ituloy ang paliwanag. Pagdating ‘dun, kaagad niyang sinambit: “Dalhin niyo ‘yung ale sa maayos na ospital. Ako na ang sasagot ng gastos.” Nagpaalam na siya kasi akala niya tapos na. Tutuloy na siya sa sementeryo para du­malaw. Pero pinigil siya ng pulis. “Lolo, ‘di po kayo makakaalis muna.

Related Posts

Kailangan muna kayong manatili rito sa presinto. Masama po ang lagay ng nabangga.”

Sabi ng lolo: “Hijo, ikukulong niyo ako?” Sagot ng pulis: “Opo, trabaho lang po. May nasaktan po kasi.”

Sumagot si lolo: “Ano po ba ang naging kasalanan ko sa nangyari. ‘Yung kotse ko, mabagal ang takbo. Wala ako sa bangketa. Nasa tama akong linya. ‘Yung babae tumawid, hindi sa tawiran. Hindi niya ginamit ang overpass. Tumakbo at ginulat ako. Natamaan ko. Hindi ko naman sinadya. Ngayon, ako pa rin ang mali at dapat ikulong?”

“‘Yun po kasi ang SOP. Batas po kasi ‘yan sa imbestigasyon ng mga aksidente sa kalsada.”

“Ang ibig mong sabihin, pag humiga ako sa kalye at sinagasaan ako ng sasakyan, makukulong ang sumagasasa akin kahit hindi naman ako dapat nandun? Kahit nasa tamang direksyon ang sasakyan?”

Sagot ng pulis: “Opo lolo.”

Napabuntong hi­ninga si lolo. Sige, tatawag na lang ako ng abugado.