Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

First Lady naiyak sa inagurasyon

0 98

Hindi napigilan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang maiyak sa harap ng mga bisita at mga mamamayang nanood sa inagurasyon ng kabiyak nitong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Museum sa Lungsod ng Maynila kahapon.

Maging si Pangulong Marcos ay naging emosyonal matapos manumpa kay Supreme Court Justice Alexander Gesmundo bilang pang-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Maliban sa mag-asawa ay emosyonal din ang mga miyembro ng pamilya Marcos sa panunumpa ni Bongbong.

Bago mag-alas 12:00 ng tanghali ay nakapanumpa na ang bagong pangulo na sinaksihan ng buong bansa at mga matataas na opisyal mula sa iba’t ibang bansa.

Masigabong palakpakan at naghiyawan ang mga tao matapos ang panunumpa ni Marcos. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.