Una sa Balita

First blood kay Rambo!

0 283

PINASAYA ni John ‘Rambo’ Chicano ang mga Pinoy fan matapos ikahon ang unang gold medal ng Pilipinas sa men’s triathlon sa first day ng 30th Southeast Asian Games kahapon sa Subic Bay.

Solong tinawid ni Chicano ang finish line bitbit ang watawat ng Pilipinas, nirehistro nito ang isang oras, 53 minuto at 26 segundo sa event na unang nagbanatan sa swimming sunod ang bike at huli ang takbuhan.

Unang gold ito ni Chicano sa SEA Games matapos ang second place finish nito kay Nikko Huelgas may dalawang taon na ang nakalipas sa Kuala Lumpur.

Doble selebrasyon sa men’s division dahil dumating na segundo ang isa pang Pinoy na si Kim Remolino, inilista nito ang 1:55.03 habang tersero si Indonesian Muhammad Ahlul Firman na tinarak ang 1:57.10.

Nanguna si 19-year-old Remolino sa swimming bago dinomina ni Chicano ang bandera sa bike at running.

Dahil sa panalo, nakamit din ni Chicano ang kanyang bagong personal best at nalagpasan pa ang record sa nakalipas na palaro (2:01:27). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy