Financial literacy, palakasin – Angara
By Dang Samson-GarciaISINUSULONG ni Senador Sonny Angara ang pagpapalakas ng financial literacy hindi lamang para labanan ang mga investment scam kundi para sugpuin ang kahirapan.
Iginiit ni Angara na ang mababang financial literacy ay isa sa pinakamalaking hamon sa bansa na nangangailangan para sa paglago ng ekonomiya.
“Often, the most vulnerable sectors of our society are the ones who bear the biggest brunt of having poor financial literacy. To many, abject poverty is just one family member getting sick away, one bad flood or typhoon, one poor harvest, or one slow selling day,” saad ni Angara.
Ayon pa kay Angara, dapat bigyan ng kahalagahan ang financial education sa bawat Pinoy partikular sa mga OFW at kanilang pamilya na patuloy na nakararanas ng kagipitan dahil sa hindi tamang paghawak ng pera.
Related Posts
“I remember talking to an OFW who shared that after working in the Middle East of close to a decade, he came home only to find out that the house which he put so much money in was not yet finished, and that his family did not have any form of savings or investment other than a small sari-sari store,” dagdag nito.
Sa tala, noong 2016 naitala ang record high na P1.4 trillion na OFW remittances.
“Think about just how much of that wealth is lost just because of poor financial literacy,” dagdag nito.
Una nang napukaw ang atensiyon ng mambabatas dahil sa P1 billion Bitcoin investment anomaly. (Dang Samson-Garcia)