Una sa Balita

Finals MVP Romeo sobrang tenkyu kina Ang, Chua, SMB

0 565

KUNG hindi sumablay ang records, si Terrence Romeo ang unang off-the-bench player na tinanghal na Finals MVP sa PBA.

Itinaas ni Romeo ang PBA Press Corps-Honda Finals MVP ng Commissioner’s Cup matapos kalusin ng San Miguel Beer ang TNT KaTropa sa anim na laro.

Isinara ng Beermen ang series sa 102-90 panalo Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Dating franchise player si Romeo sa GlobalPort, napunta ng TNT bago itrinade ng KaTropa sa San Miguel noong December.

Dahil loaded ng scorers ang Beermen, hindi kinailangang gabi-gabing pumutok ang da­ting scoring champion na si Romeo.

Nabawasan ang kanyang scoring load, pati minuto.

Pero tinanggap niya ‘yun, at kapag binunot ni coach Leo Austria mula sa bench ay handa nang mag-deliver.

“Nagpapasalamat ako kina boss RSA (San Miguel Corp. big boss Ramon S Ang), kila boss Robert (Non), coach Alfrancis (Chua), coach Leo (Austria),” bulalas ni Romeo. “Tinanggap nila ako dito, ginagawa ko lang ‘yung best ko.”

Sa dating team pa kinuha ni Romeo ang una niyang Finals MVP award.
Sa unang season sa San Miguel, nakadalawang titulo na siya sa agad matapos itakbo rin ng Beermen ang Philippine Cup crown.

“Thankful ako sa mga kumukop sa akin. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ako mapupunta sa SMB,” dagdag ni Romeo. “Tapos winelcome ako ng mga teammates ko, coaches.”­ (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy