Una sa Balita

Finals MVP ng Govs Cup Pringle mas bet kesa kay Japeth

0 403

MULING pinaiyak ng Barangay Ginebra Gin Kings ang Meralco Bolts sa korona ng PBA Governors Cup matapos itarak ang 105-93 victory sa Game 5 nitong Biyernes.

At itinanghal na Finals Most Valuable Player (MVP) ng championship series si Ginebra forward Japeth Aguilar na nagtala ng 17.4 points, 7.0 rebounds at 3.4 blocks kada laro.

Kung marami ang sumang-ayon na si Japeth ang itinanghal na MVP sa titular showdown, marami rin sa mga netizen ang tutol dito.

Ang iba, mas pabor na si Stanley Pringle ang dapat tinanghal na Finals MVP.
Ayon kay Facebook user Mark Giovanne Gerson Balbuena, mas deserving si Pringle para sa award. “Dapat pringle ang mvp…kalukuhan na yan.”

Sinegunduhan naman ito ni FB user Arnold Paluga Torotot, “dpat c stanly ang mvp.”

Ganito rin ang sentimyento ni netizen Santos Jr Cornelio, “dapat si Pringle Sana MVPfinals.”

Hindi rin solb sa nahirang na Finals MVP si Eddieboy Cadiang, “pang volleyball lang ‘yan puro block japwet.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More