Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Final na! SC binasura mga petisyon sa Anti-Terror Act

0 147

Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang motions for reconsideration kaugnay sa Republic Act No. 11479 (R.A. 11479) o The Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa en banc session kahapon ng SC, ibinasura na ng pinal ng SC ang motion for reconsideration na kumukuwestiyon sa inilabas na desisyon noong Disyembre 7, 2021 sa ATA.

Ibinasura umano ang MR dahil sa kawalan ng “substantial issues” at bagong argumento ng mga petisyoner.

Ang ruling ay pinonente ni Associate Justice at ngayon ay Philippine Judicial Academy Chancellor Rosmari Carandang, bagong appoint na si Associate Justice Antonio Kho, Jr. na pumanig sa mayorya.

Pinanindigan ng mga mahistrado ang kanilang naunang boto.

Magugunitang sa inilabas na ruling ng SC noong Disyembre 7 ay kinatigan nito ang kontrobersiya na ATA Act of 2012.

Nabatid na dalawang probisyon sa nabanggit na batas, kabilang na ang paglalagay ng bigat sa suspek na patunayan na ang adbokasiya, protesta, work stoppage at katulad na aksiyon ay hindi intensiyon na maging resulta ng kamatayan o pananakit na nakakuha ng 12-3 boto para ideklarang unconstitutional, at ang ikalawa na nakakuha ng botong 8-6 ay ang kapangyarihang ipinagkaloob sa Anti-Terrorism Council na mag-adopt ng kahili¬ngan para sa supranational jurisdictions. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.