Una sa Balita

Film docu ‘Gramo’ inilunsad ng PCOO

0 391

Inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang do­cumentary film na may pamagat na ‘Gramo’ na naglalahad ng tunay sa mga nangyaring krimen sa Pilipinas na ang ugat ay ang paggamit ng iligal na droga.

Pinangunahan ni PCOO secretary Martin Andanar ang launching­ ng film documentary kung saan ipinakita rito ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapigilan at malaba­nan ang pagla­ganap ng iligal na droga sa bansa at mapanagot ang mga sindikatong nasa likod ng illegal drug trade.

Ipapamahagi aniya ang kopya ng film documentary sa iba’t ibang media entity at sa diplomatic community sa tulong ng Department of Foreign Affaurs (DFA) para maiparating sa international community ang tunay na mukha ng war on drugs campaign ng Duterte administration.

Sinabi ni Andanar­ na hindi naging maganda sa mata ng internatio­nal community ang anti-drug campaign ng Pili­pinas dahil sa ma­ling impormasyon na ipinakalat ng mga kritiko ng administrasyon.

Kasabay nang paglu­lunsad ng film documentary patungkol sa iligal na droga ay isinabay na rin ang launching ng magazine na ‘saving the future of a nation: countering hard drugs’ na kasamang ipapamahagi sa media at sa internatio­nal community.

Ipapakita sa film documentary ang mga nagawa ng gobyerno para mareporma at mabago ang buhay ng mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot at nagkaroon muli ng silbi sa lipunan. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy