Una sa Balita

Fillies, Colts magkakasubukan

0 189

NAKATAKDANG magkita ang mga batang kabayo sa magaganap na 2019 PHILRACOM ‘Three-Year-Old Fillies & Colts’ race sa darating na Linggo sa Saddle & Club Leisure Park sa Naic, Cavite.

Nakalaan ang P600,000 para sa may-ari ng kabayong unang tatawid sa meta kung saan may 1,600 meters ang distansyang tatakbuhin ng 12 tigasing kalahok.

Una sa listahan ng mga kasali ay si Barayong, makakalaban niya sina Gepnits, Gil’s Magic, Mount Dulang Dulang, Lakan Takhan, My Jopay, Oktubre Katorse, Petersaints, The Accountant, Toy For The Bigboy, Two Timer at Westeros.

Tatanggap din P225,000 ang second placer, may P125,000 ang ibubulsa ng tersero habang P50,000 ang fourth.

Mag-uuwi rin ng P30,000 ang breeder ng winning horse.

Samantala, 52 kgs. ang bibitbitin ng Fillies habang 54kgs. ang papasanin ng Colts. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy