Una sa Balita

‘Filipinos are stupid’ ni Curry, fake news

By
0 522

WALA na talagang maka­kaligtas sa bangi­s ng fake news sa panahon ngayon­, kahit si Stephen Curry ay nabiktima rin dito.

Nakatanggap ng batikos mula sa Pinoy netizens ang two-time MVP at three time NBA champion ng Golden State Warrior­s pagkarating niya lamang sa Manila nitong Biyernes.

Base sa isang artikulo, nagbitiw daw ng kontrobersiyal na komento ang NBA champ na labis na ikinagalit ng mga Pinoy sa social media.

Abante Hiring – IT dep

“You know why Filipinos are stupid? Because they voted a killing president,” sabi umano ni Curry sa isang interview ng CNN pero lumalabas na hindi naman totoo.

Ipinasuri ito sa Agence France-Presse, ikinumpirma ito bilang fake news. (Cyril Gian Zarate)