Una sa Balita

Filipino kong mahal

0 295

Dear Abante,
Isang mapagpalang araw sa ating lahat! Halos dalawang buwan na lang ay gugunitain na natin ang Buwan ng Wika na pinagdiriwang ng bansa tuwing Agosto. Napakaimportante ng wika para sa isang bansa.

Parte ito ng kanilang kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan. Isa ito sa mga bagay na maipagmamalaki at dapat ipagmalaki ng isang mamamayan.

Dito sa Pilipinas, Filipino ang tawag sa ating wika na marami nang pinagdaanan dahil na rin sa ilang taong pagsakop sa atin ng mga dayuhan.

Kamakailan lamang ay ipinag-utos ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtanggal sa asignaturang ito bilang core subject sa kolehiyo.

Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Sa tingin ko ay napakaimportanteng pag-aralan ito ng kabataan dahil ang pag-aaral ng wika ay lalong nagpapalakas ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan lalo na’t dahil ika nga ni Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Alyssa ng Dasmariñas, Cavite

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy