Una sa Balita

Filipino community sa Bahamas sumaklolo sa mga biktima ng Hurricane Dorian

0 267

NAGSAMA-SAMA ang mga Pilipino para saklolohan ang mga kababayang apektado ng Hurricane Dorian sa Bahamas.

Ang pagtulong sa mga apektado ng Hurricane Dorian ay pinangunahan ng Filipino Association of Bahamas.

Sama-sama ang mga opisyal at miyembro ng samahan sa pagbabalot ng mga relief goods na ipapadala sa mga kapwa Pinoy na apektado sa lugar.

Sa ulat, tinatayang nasa 340 mga Pinoy ang nakatira sa Abaco at Freeport Islands na tinamaan ng Hurricane Dorian.

Karamihan sa mga apektadong Pinoy ay mga guro at caregiver na inilikas ng Bahamian go­vernment.

Sa pinakahuling ulat, nasa 43 na ang nasawi sa Hurricane Dorian habang nasa 70,0000 ang nawalan ng tirahan.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Phi­lippine Embassy sa Washington DC sa mga Pinoy sa Bahamas na apektado ng hurricane.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy