Una sa Balita

Filipino chesser Pascua kampeon sa Malaysia

By
0 397

NAGHARI si Filipino International Master (IM) Haridas Pascua sa katatapos na 46th Selangor Open Chess Tournament na ginanap sa Cititel Mid Valley Grand Ballroom sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kumolekta ang Baguio-based chesser at tubong Mangatarem, Pangasinan ng 7.5 points mula six wins at three draws para magkampeon sa nine-round tournament at maiuwi ang top prize 6,000 Malaysian ringgit (RM).

Nakipag-draw si Pascua sa kababayang si IM Oliver Dimakiling sa ninth at final round sapat upang masilo ang titulo.

Kasalo ni Pascua si FM Pitra Andyka ng Indonesia sa eighth at penultimate round pero nakaungos ang Pinoy nang talunin niya ito sa nasabing round.

Dahil sa panalo, lalapit si Pascua sa Elo rating na 2500 at kapag naabot niya ito ay tatanghalin siyang sunod na Grandmaster ng Pilipinas.

Lumanding sa second place si GM Darwin Laylo matapos talbusin si Kaushal Khandhar habang third place si Dimaki­ling.

Parehong 7.0 pts. ang naitala nina Laylo at Dimakiling subalit hiniharang na second ang una matapos ipatupad ang tie break points.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy