Una sa Balita

Filinvest bayad na, titulo wala pa

By
0 1,465

ILANG taong naghulog sa Filinvest Development Corporation si Gene R. Mateo para sa dalawang lote pero hindi umano niya ito napakinabangan dahil hindi ni-release ng kompanya ang mga titulo ng lupa nang kinailangan niya ito.

Ayon sa anak niyang si Jennylyn Joan Dimaano Mateo Eugenio, namatay ang ama nila noong Oktubre 2017 nang malayo sa kanila dahil hindi nila magamit bilang collateral ang lupa sa panahong gipit sila.

Nabatid kay Eugenio na Hulyo 2015 pa ba­yad nang buo ang dalawang lote pero Pebrero 2018 lang ini-release ang titulo ng isa. Hanggang ngayon wala pa sa kanila ang titulo ng pangalawang lote.

“We were supposed to sell or loan with collateral using the lots in the bank to be able to bring my ill father home from abroad but we lost the chance to do that because you never released the title when we needed it,” himutok ni Eugenio.

Ang masakit, namatay mag-isa sa ibang bansa ang ama ni Eugenio na walang kasamang pamilya at hindi man lang nila nayakap bago ito pumanaw.

“We watched him die over a video call. No chance to hold and hug him to extend our gra­titude! You are heartless,” sabi ni Eugenio sa Filinvest. Inilibing ang ama niya noong Oktubre 29, 2017 pero hanggang ngayon hindi pa ibinibigay sa kanila ng Filinvest ang titulo ng isa pang lote.

Tinanong ng Abante ang Filinvest na pag-aari ng pamilya Gotianun, tungkol sa patakaran nito sa pag-release ng mga titulo pero wala itong paha­yag.