Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Filing ng COC sa Pasay hotel ikakasa

0 74

Sa halip na sa national headquarters, inihayag ng Commission on Election (Comelec) na gagawin ang paghahain ng certificates of candidacies (COC) para sa mga tatakbo sa nasyonal na posisyon sa tent ng isang hotel sa Pasay City.

Ito ang inihayag ni Comelec executive director Bartolome Sinocruz sa pagdinig ng joint congressional oversight committee ng automated election system kahapon.

“The filing of the certificates of candidacy for national positions will be at Sofitel, at one of its tents,” sabi ni Sinocruz sa komite na pinamumunuan ng chair na si Sen. Imee Marcos.

“The doors will be open, there will be ventilation. That’s really a big space to be divided into the venue for filing for president, vice president, and senators and party-list (organizations),” paliwanag nito.

Sabi ni Sinocruz, ang pagbabago ng lugar ng paghahain ng COC ay para na rin sa kaligtasan ng mga staff ng Comelec at mga tatakbo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.