Una sa Balita

Fil-foreigner Ono, Orbon manonorpresa sa 2018 PNG

By
0 1,180

Bitbit ng 14-anyos na table tennis player na si Rizumu Ono mula Saitama, Japan ang ilang Fil-foreigners na bibigwas sa 2018 Philippine National Games (PNG) ng Philippine Sports Commission, Cebu City at Province of Cebu.

Ani PSC Com­missione­r Ramon Fernandez, PNG-in-Charge, na asahan na ang mainit na mga aksiyon sa isang linggong torneong kalahok mula sa iba’t ibang komunidad sa Mayo 19-25.

“We have a young player from Japan, who reportedly almost defeated our table tennis Olympian Ian Lariba by the name of Rizumu Ono. She will be playing for Team Sorsogon because her mother hails from that part in Bicol region. Mayroon din tayong iba pang mga sumali sa iba namang sports,” ani Fernandez.

Ilang may dugong Pinoy na atleta ang nagpahayag din ng pagpartisipa sa torneo bagaman hindi pa makumpleto ng nag-oorganisang PSC ang criteria para sa kanilang paglahok.

Isa na ang Fil-Ame­rican na si Joane Orbon na madalas magkampeon sa Pan-American Games kasalukuyang no. 12 sa world ranking ng World Karate Federation (WKF).

“She has a good chance of making it to the 2020 Tokyo Olympics,” sabi ni Fernandez. “She came here and apply in the PKF dahil iyung weight category niya ay walang representative. I don’t know what happen. I will know kapag nakausap ko siya dahil darating siya dito sa Maynila para dalawin ang mga magulang.”

Si Orbon ay kasalu­kuyang nag-aaral ng Business Administration/Management sa Columbia Southern University at nakatira sa Sacramento, California.