Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Chinese timbog sa iligal na kahoy

0 98

Kinumpiska ang halos P1 milyong tinistis na kahoy na pagmamay-ari ng isang Filipino-Chinese sa Barangay Lucdan, bayan ng Abulug, Cagayan noong Sabado, ayon sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO) kahapon.

Sa ulat ng CPPO, nakatanggap ng impormasyon ang intelligence unit nila na may mga nakatambak na nilagareng kahoy na aabot sa 11,000 board feet sa lote na pagmamay-ari umano ng isang contractor na si Tomas Uy, isang Fil-Chinese, ng nabanggit na barangay.

Dito, agad nagsagawa ng operasyon ang CPPO kasama ang Abulug Police Station kung saan nakita ang mga tinistis na puno ng narra, red at white lawanit.

Ipinasakamay naman sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang mga kontrabandong kahoy habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 705 o forestry reform code of the Philippines laban kay Uy. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.