Una sa Balita

Fil-Chinese nahulihan ng P8.5M droga sa BGC hotel

0 246

Arestado ang isang negosyanteng Filipino Chinese at nakumpiskahan ng nasa P8.5 milyong halaga ng droga sa ikinasang operasyon ng pinagsanib puwersa ng Taguig City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang 5-star hotel sa Bonifacio Global City kahapon nang madaling-araw

Kinilala ni Police Colonel Alexander Santos , hepe ng Taguig City Police na si Domingo Tanyao Uy Jr. nasa hustong gulang at residente ng No. 2803 Balete Drive Andres North Condominium , Quezon City.

Dakong ala-1:30 nang madaling-araw nang salakayin ng mga awtoridad ang 5-star hotel na matatagpuan sa BGC ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat una nang nadiskubre ang mga iligal na droga ng isang housekee-ping hindi na binanggit ang pangalan habang ito ay naglilinis sa room 909 ng ika-siyam na palapag na kung saan nakita nito ang mga droga sa nakabukas na vault at agad nitong ipinagbigay-alam sa chief s­ecurity na siyang nagtimbre naman mga awtoridad dahilan upang ikasa ang nasabing operasyon.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang anim na pakete na transparent plastic sachets na naglalaman ng 4,038 piraso na hinihinalang ecstasy na may street valu­e P6,864,600 at 22 pack na transparent plastic sachet na naglalaman naman ng 350 grams na cocaine na may street value na P1,855,000.

Kasama din sa nakumpiska ang va-cuumed sealed plastic bag na naglalaman ng 103 grams na nagkakahalaga naman ng P51,500, tatlong pirasong maliliit na transparent bottle na naglalaman naman ito ng yellowish liquid na hinihinalang dangerous drug, mga dokumento at P720,346 na pera.

Bukod sa mga iligal na droga, natuklasan din ng mga awtoridad ang mga tseke na ibinayad sa suspek na nagkakahalaga ng P175 milyon.

Sinabi ni Santos, hihingin nila ng tulong ng anti money laundering council upang i-determine ang mga tseke na nakuha sa pag iingat ng suspek.

Ayon pa kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar, tinawag na lucky break ang kaso, dahil wala daw sa kanilang ang suspek na si Domingo Uy.

Agad na dinala sa detention cell ng PDEA ang suspect at sasampahan ng kasong Criminal at paglabag sa Section 11 Art. II ng RA 9169 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (A­rmida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy