Una sa Balita

Fil-Chinese business group umalma: ‘Di kami sangkot sa droga

0 436

UMAPELA ang Federation of Filipino Chamber of Commerce and Industry, Inc (FFCCII) sa media at ibang sector na huwag lahatin ang mga miyembro ng Filipino-Chinese community na isinasangkot sa iligal na droga.

“We wish to clarify certain media reports which link Filipino-Chinese to illegal drugs. We appeal to media and other sectors to refrain from generali­zing that members of the Filipino–Chinese community as peddlers of illegal drugs and inadvertenty besmirching our community’s reputation. As with any community, there may be a handful of wrongdoers or bad apples but the seame should not affect the rest of the community.”

Ayon sa statement ni Dr. Henry Lim Bon Liong, presidente ng FFCCII, buo ang kanilang suporta sa pinalakas na kampanya ng gobyerno laban sa ­illegal drugs. “We join the government and our law enforcement agencies in condemning and working towards eradication the manace of illegal drugs as a moral scourge, a threat to public health and the socio-economic stability of the Philippines.”

Simula pa noong 2016, tumutulong na umano ang kanilang grupo sa pamahalaan partikular sa pagkakaloob ng donasyon sa mga rehabilitation center sa Candelaria, Lucban at Mulanay sa Quezon province; Tagbilaran, Bohol province; Island Garden City ng Samal, Davao del Norte; Mati, Davao Oriental; Surallah, South Cotabato. Naniniwala umano sila sa holistic anti-illegal drug campaign kung saan kailangang tulungang magbago o i-rehab ang mga naarestong drug user.

Anila, gusto nilang linawin ang ilang media report na hindi lahat ng Filipino-Chinese ay sangkot sa droga. Marami umanong ethnic Chinese na matagal nang naninirahan sa Pilipinas ay mga law-abiding Filipino citizen at lehitimong naghahanapbuhay sa bansa.

Nakahanda umano nilang pag-usapan ang panukalang pagbabalik ng parusang bitay sa mga heinous crime kasama ang mga drug trafficking na katulad nang ipinatutupad sa Singapore, China at Taiwan na naging daan para bumaba ang krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy