Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Canadian actress bumirit sa Broadway

0 200

Isang may dugong Pinoy ang tampok nga­yon sa isang pop musical sa Broadway theate­r sa New York City, US.

Ang actress-singer na Pinay ay si Andrea Macasaet, na siyang gumaganap na Anne Boleyn sa “Six the Musical”.

Ang Six the Musical ay tungkol sa mala-konsiyertong kompetisyon sa anim na asawa ni King Henry VIII ng England. Si Boleyn ang ikalawang asawa ng hari.

Kuwento ni Andrea sa isang pana­yam, nag-audition siya para sa nasabing role noong 2019 dahil “na-in love” siya sa musika ng Six.

“When they offered me the contract, I thought I was going to perform the show in Chicago and then in Canada and that would be it. Little did I know, this show would take me to my Broadway debut in New York City.”

Dahil sa pan­demya ay naisan­tabi ang Broadway show ngunit naipalabas na ito nito lang Oktubre 3.

Sa ngayon, tutok pa rin si Andrea sa musical at pagkatapos ay hangad niya umanong makatrabaho rin ang mga kapwa Pinoy artist. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.