Una sa Balita

Fil-Am bagong mayor ng siyudad sa California

By
0 9

Umukit ng kasaysayan ang isang Filipino-­American matapos siyang mahalal bilang kauna-unahang Pinay na alkalde ng isang siyudad sa California.

Nitong Disyembre 11, pinili ng three-member council si Juslyn Manalo upang maging mayor ng Daly City, habang isa pang Fil-Am na si Ray Buenaventura ang nahirang na vice-mayor.

Pinalitan niya ang incumbent Mayor Glenn R. Sylvester, isa ring Fil-Am na nagsilbi lang ng isang taon bilang alkalde ng lungsod.

Sa oath taking at turnover ceremony, lubos ang kasiyahan ni Manalo at hindi raw niya makakalimutan ang araw na iyon.

Nagpasalamat din ito sa mga supporter na naging daan para maluklok siya sa nasabing puwesto.

Nangako naman si Manalo na tututukan niya ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Daly City, partikular ang pagpapalago sa mga hotel, pabahay at human services.

Higit sa kalahati ng populasyon ng Daly City ay mga Asyano kung saan 33 percent ay mga Filipino, habang 15 naman ang mga Chinese.

Nasa 26 percent naman ang White at African American habang 23 percent ang Hispanic o Latino.