Una sa Balita

Fil-Am waging New Jersey mayor

0 601

NANALO ang Filipino-American immigration lawyer na si Arvin Amatorio, isang Democrat sa isinagawang mayoralty race sa Bergenfield, New Jersey.

Nabatid na si Amatorio, 48 ay lumamang ng may 166 boto sa kanyang nakatunggali si incumbent Republican Mayor Norman Schmelz.

Nalaman na si Amatorio ay tubong Baler, Quezon at ikalawang Filipino American na nanalong alkalde ng Bergenfield, kasunod ni Robert Rivas, na nagsilbi mula 2000 hanggang 2002.

Si Amatorio ay isang councilman­ sa Bergenfield Borough at ang kanyang termino bilang alkalde ay magsisimula sa Enero, 2020.

Isang araw bago ang halalan ay inakusahan ni Schmelz si Amatorio ng paglabag sa human trafficking law.

Binati naman ni New Jersey Gover­nor Phil Murphy si Amatorio sa kanyang pagkapanalo sa naganap na halalan noong Martes.

Nabatid na ang mga magulang ni Amatorio ay pawang mga public school teacher.

Kasamang pumunta sa US ni Amatorio ang kanyang asawang si Iya noong 2002 at pumasa siya sa New York Bar Examination noong Pebrero 2006 at nagsanay bilang immigration lawyer.

Nalaman na ang 5,000 Pilipino ang pinakamalaking ethnic group sa Bergenfield na mayroon lamang 27,000 populasyon. (Juliet de ­Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy