Una sa Balita

Fil-Am wagi sa ‘SYTYCD 15’

By
0 261

Wagi ang Fil-American na si Hannahlei Cabanilla, 18, sa So You Think You Can Dance Season 15, isang popular dance competition sa US.

Si Hannahlei ay isang contemporary dancer na taga-Anaheim Hills, California. Tinalo niya sina Jensen Arnold (2nd place), Genessy Castillo (3rd place), at Slavik Pustovoytov (4th place).

Ipinanganak at lumaki si Hannahlei sa California, nagsimulang magsayaw sa edad na 2 at hinasa ang pagsasayaw sa Orange County Performing Arts Academy.

Sa pagkapanalo sa SYTYCD 15, ­makakatanggap si Hannahlei ng $250,000 cash prize, maipi-feature din siya sa Dance Spirit at magkakaroon ng role sa Fox’s upcoming live musical na ‘Rent’.