Una sa Balita

Fil-Am timbog sa liquid marijuana

0 234

Inaresto ng mga tauhan ng Philippines Drug E­nforcement Agency (PDEA) ang isang Filipino American national matapos nitong tanggapin ang 30 vape cartridge na naglalaman ng liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Domestic Road, Pasay City kahapon

Dakong alas-12:30 nang tanghali nang maaresto ang suspek na nakilalang si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27-anyos, ng Wisconsin, USA, kasalukuyang nakatira sa Merville Subdivision, Parañaque City at consignee ng shipment mula China.

Nabatid na dumaan sa inisyal na pagsusuri ng Customs at PDEA ang mga naturang cartridge na nauna nang ideklara sa resibo na chocolate ang laman nito.
Nagpositibong liquid marijuana ang 30 vape cartridge na may street value na P45,000, na pinadala umano ng isang Michael Arash Abedzadeh mula sa Shanghai, China.

Dahil dito, dinala sa kostudiya ng PDEA sa Central Mail Exchange si Alfonso, habang pinoproseso pa ang final labtest sa nasabing package na naunang nagpositibo sa inisyal test ng nasabing ahensya.

Patuloy pa rin nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa nasabat na cartridge nag naglalaman ng hininalang cannabis oil. (Armida Rico/Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy