Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Am singer Olivia big winner sa Billboard Music Awards

0 87

Ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo ang naging big winner sa nakaraang 2022 Billboard Music Awards (BBMAs) na ginanap sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas.

Nauwi ni Rodrigo ang pitong BBMAs for Top New Artist, Top Female Artist, Top Hot 100 Artist, Top Streaming Songs Artist, Top Radio Songs Artist, Top Billboard Global 200 Artist and Top Billboard 200 Album for SOUR.

Anim na BBMAs naman ang napanalunan ni Kanye West a.k.a. Ye. Kabilang na rito ang Top Gospel Album.

Limang BBMAs naman ang nauwi ni Drake kabilang dito ang Top Artist, Top Male Artist, Top Rap Artist and Top Rap Male Artist awards.

Apat naman na awards ang nahakot ni Taylor Swift kabilang na ang Top Country Album, Top Billboard 200 Artist, Top Country Artist, and Top Country Female Artist.

Ang Korean boyband naman na BTS ay nakakuha ng tatlong trophies: Top Song Sales Artist, Top Selling Song and Top Duo/Group.

Ang most nominated artists this year na si The Weeknd with 17 ay isa lang ang napanalunan at ito ay ang R&B Male Artist. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.