Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Am rapper nakopo leadership award sa US

0 36

Muling nangibabaw ang talento ng dugong Pinoy nang tumanggap ng Youth Leadership Award sa San Francisco, California sa Amerika ang isang Filipino American rapper.

Si Ruby Ibarra ay ginawaran ng parangal sa ginanap na virtual awards event noong June 15 kasabay ng pagdiriwang ng Immigrant Heritage Month.

Napabilib ng Fil-Am rapper si Commissioner Franklin Ricarte na aniya’y isang pambihirang artist at talented documentary filmmaker.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinikilala sa Youth Leadership Award ang isang matapang na immigrant leader na edad 35 pababa, na tumulong o naging inspirasyon sa iba pang immigrant youth, ayon kay Vice Chair Mario Paz.

Isinilang si Ibarra sa Tacloban City. Ilan sa mga kantang pinasikat niya ang “Us”, “Playbill$” at “Here”.

Kamakailan ay naglabas siya ng album na may title na Circa91, kung saan niya ikinuwento ang buhay bilang immigrant. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.