Una sa Balita

Fil-Am rapper binida si Lapu Lapu

0 450

KINILALA ni Filipino American rapper Dustin ­Perfetto si Lapu Lapu sa pinakabago nitong album na nilabas kamakailan.

“Y’all don’t know growing up Lapu-Lapu was the first-ever Filipino hero and I’m just trying to teach that to this new generation that ain’t really up on that because we was raised like that,” saad sa ­Balitang America ni Perfetto, alyas ‘Nump’.

Nakikita rin umano ng rapper ang kanyang ­sarili sa bayani na nanguna sa laban sa Mactan, Cebu noong 1521 laban sa tropa ng Portuguese na si ­Ferdinand Magellan.

Sa ngayon, tinutulungan ni Nump ang iba pang bagong Filipino artist sa San Francisco Bay Area, California.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy