Una sa Balita

Fil-Am patok ang limited edition Nike shoes

0 597

ABANTE MO

BINIDA ng kompanya ng sapatos na Nike ang isang limited edition Nike Air Max sneakers na gawa ng isang first generation Filipino-American designer sa Brooklyn, New York.

Isa si Rich Tu sa 28 napiling New Yorker na aambag sa ‘Nike By You Cultivator’ kung saan ikinuwento nila ang kanilang buhay sa disenyo at porma ng sapatos.

Hango ang ‘First Gen’ na sapatos ni Tu sa mga kulay ng oxidized me­tal na makikita saanman sa mundo at sa The Statue of Liberty.

Mapupunta lahat ng kikitain sa Nike Air Max 270 sa podcast page nina Tu na @firstgenburden na plataporma umano para ipakita ang ganda ng pagkakaiba ng mga imig­rante.

“The podcast ‘First Generation Burden’ was created as a platform for the immigrant community to acknowledge the beauty of our homelands, and to display our differences with pride and reverence,” hayag nito sa kanyang Nike By You page.

Mabibili ang Nike Air Max 270 hanggang Setyembre 1. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy