Una sa Balita

Fil-Am NBA cager Jordan Clarkson sasabak sa Asiad?

0 2,609

MAGANDANG balita para sa basketball fans sa Pilipinas dahil malaki ang tsansa ni Cleveland Cavaliers player Jordan Clarkson na makalaro sa Team Philippines sa 18th Asian Games.

Tiyak na magbubunyi ang mga Pinoy sakaling payagan si Clarkson ng kanyang kinabibilangang koponan sa pinakasikat na liga sa mundo na National Basketball Association (NBA).

Kapag nagkataon, ang Fil-American na si Clarkson ang magiging flag bearer ng buong delegasyon ng Pilipinas na sasabak sa Asiad sa Palembang, Jakarta, Indonesia simula Agosto 18.

Ito ang hinayag ng isang mataas na opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos na isumite ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang listahan ng 18 manlalaro na ninanais nitong ipadala sa Asiad kapalit ng mga naunang nasuspindi ng Federation International de Basketball o FIBA.

“A total of 18 names have been submitted by SBP to POC to compose the Gilas Team to Asian Games, among them Jordan Clarkson and mostly Rain or Shine players. If Cleveland allows Clarkson to play for the Philippines, he will be our flag bearer in the Asiad,” hayag ng opisyal ng POC.

Inako ng Rain or Shine ang karapatan na ire­presenta ang Pilipinas sa kada apat na taong Asia matapos na masuspende ang kabuuang 10 manlalaro na orihinal na bumubuo sa Gilas Pilipinas.
Anim ang idadagdag sa Rain or Shine para lumakas ang koponan ng Pilipinas.