Una sa Balita

Fil-Am nasungkit ang best actress award sa US

0 406

Nakamit ng Fil-Am theatre actress na si Regina Aquino ang Helen Ayes Best Actress award sa Theatre Washington sa Estados Unidos.

Pinasalamatan ni Aquino sa kanyang talumpati ang kanyang bayang sinilangan.
Sinimulan niya ang talumpati sa salitang ‘mahal kita’ at ‘salamat’.

Si Aquino ay nagwagi bilang lead actress sa play na ‘The Event’ kung saan gumanap siya bilang Claire sa The Anthem D.C. noong Mayo 13.

Ginampanan ni Aquino ang papel ng isang lone survivor sa isang mass shoo­ting na dumaan sa isang trauma.

Sinabi ni Aquino na isang malaking kara­ngalan na nabigyan ng kauna-unahang para­ngal na best actress ang isang Fil-Am na katulad niya.

Inihandog niya sa kanyang ina at anak na sina Riana at Malcolm ang tinanggap na parangal.

Hinikayat niya ang kapwa Filipino-American na sumubok pasukin ang career sa pag-arte dahil baka katulad niya ay palarin din at kilalanin ang talento. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy