Una sa Balita

Fil-Am model ng Victoria’s Secret, bad trip sa PAL-Lucio Tan

0 1,089

SOBRA ang pagkaimbyerna ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt sa national flag carrier Phi­lippine Airlines dahil umano sa naging experience nito.

Sa kanyang Instagram post, binanggit ni Merritt na kahit kailan ay hindi pa siya nagkakaroon ng magandang karanasan sa nasabing airline na minamay-ari ng negosyanteng si Lucio Tan.

“I keep forgetting what a terrible airline Philippine Airlines is. Their customer service is so bad and I’ve never had a great experience with them,” patutsada ng dalaga.

Dahil sa masamang karanasan umano sa nasabing airline, nangako si Merrit na hindi na siya sasakay muli dito.

“After flying with so many different airlines, it’s so easy to compare the experience. I never complain about anything on social media but I just can’t fly with @flypal anymore. I tried to give them chances but they just fail me,” nakalagay sa caption ni Merritt.

Sinisikap pa ng Abante na hingin ang reaksyon ni PAL spokesperson Cielo Villaluna subalit hindi pa nakukuha ang panig nito habang sinusulat ang balitang ito.

Si Merritt ang kauna-unahang Pinay na rarampa sa Victoria’s Secret Fashion Show 2018 at makakasama niya ang mga kilalang international supermodel.

Nagtapos ito ng AB Communications sa Ateneo de Manila University noong 2017 subalit agad na lumipad patungong Estados Unidos upang sumugal sa modeling career.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More