Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Am Lee Kiefer sumungkit ng ginto

0 60

WAGI ng gintong medalya para sa bansang Amerika sa 2020 Tokyo Olympics si Filipino-American Lee Kiefer makaraang pabagsakin sa fencing women’s foil finals si defending champion Inna Deriglazova ng Russia, 15-13, sa Makuhari Messe Hall.

Dahil sa tagumpay, si Kiefer ang unang American fencer na nagwagi ng gintong medalya sa Olympics para sa individual foil.

Related Posts

Si Kiefer ay anak nina Dr. Teresa Bacani Kiefer, mula sa Tagum City sa Davao, at ni former US fencer Dr. Steve Kiefer.

Noong 2012 London Olympics, tumapos sa ikalimang puwesto si Kiefer habang pang-10 ito sa 2016 Rio Olympics. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.