Una sa Balita

Fil-Am kinatawan ng mga estudyante sa LA

0 265

NANUMPA na nitong Setyembre bilang 2019-20 student representative sa Los Angeles Board of Education ang isang Filipina-American high school student. Ayon sa Inquirer report, matapos ang kanyang panunumpa, sinabi ni Frances Suavillo na sisiguruhin niyang magiging tulay siya para marinig lahat ng panig ng mga estudyante sa Los Angeles Unified.

Ipinanganak si Suavillo sa Pilipinas, 9-anyos siya noon nang magpasya ang kanilang pamilya na manirahan sa Southern California. Una niyang natutunang lengguwahe ay Tagalog at natuto na lang mag-English nang mag-aral siya sa Van Deene Avenue Elementary School sa Los Angeles Unified.

Sa kasalukuyan, si Suavillo ay senior sa Carson Senior High School at kumukuha ng Advanced Placement and honors courses.

Siya na ang ikalimang kinatawan ng mga estudyante simula nang buhayin ang student participation sa board noong 2014. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy