Una sa Balita

Fil-Am imbentor todo suporta sa edukasyon ng mga kababayan

0 439

PATULOY ang pagtulong ng isang kilalang imbentor at anak ng isang mangmang para tuparin ang kahili­ngan ng ama na ga­wing literate ang mga kababayan sa Caga­yan Valley.

Nabatid na pina­ngunahan ni Filipino-American entrepreneur Engineer Diosdado ‘Dado’ P. Banatao ang pag- award ng dalawang bagong typhoon-resistant school building na may anim na classroom at kumpleto sa accessories sa Malabbac Elementary School (MES).

Nabatid na ang P6 milyong halaga ng mga classroom ay proyekto ng dalawang foundation na kinabibilangan ng Dado Banatao Educational Foundation at ng PhilAm Foundation Inc.

Nawasak umano ang mga classroom sa lugar matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong dahilan para magsagawa ng klase sa ilalim ng mga puno, maliit na espasyo ng library at kiosk ang may 450 mag-aaral at 17 guro.

Sobrang pasasa­lamat naman ni school officer-in-charge Rachel Pingad dahil ang bagong pasilidad ay magbibigay ng magandang kapaligiran sa mga estudyante.

Ang pinagdaanan sa buhay ni Banatao ay perpektong kuwento ng isang taong ‘rags to riches’ dahil siya man ay nakaranas na maglakad nang walang tsinelas sa maputik na kalsada sa kanilang bayan bago nagtagumpay.

Nalaman na noong IBM era, nakapag-disenyo si Banatao ng bagong chip set na nakapag-produce ng higit sa 10 ulit na mas malakas.

Nakapag-develop din siya ng kauna- unahang 10-Mbit Ethernet CMOS na may silicon coupler data-link control at transceiver chip, unang system logic chip set para sa IBM’s PC-XT at PC-AT, local bus concept at unang windows graphics accelerator chip para sa mga personal computer.

Si Banatao na nakabase ngayon sa Silicon Valley ay isang award-winning tech entrepreneur, enterprise builder at kinilala sa Forbes Asia bilang ‘Hero of Philanthropy’. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy