Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Am guro sa New York instant rapper na rin

0 13

Isang Filipino-American teacher sa New York, United States of America ang gumagamit ng kakaibang teaching method para mapanatiling gising ang kan­yang mga estudyante sa online class habang may pandemya.

Pagbabahagi ni math educator Ramil Buenaventura sa isang panayam, imbes na puro kuda lang ang gawin niya sa loob ng 40 hanggang 50 minuto ay hinahaluan niya ng pagra-rap ang kanyang mga lesson.

“I place myself as parang estudyante. ‘Pag nakaupo ka lang doon, nakikinig sa teacher mo, nakaka-boring! Biro mo, 40-50 minutes, nakikinig ka lang. Eh dapat ‘yong teacher, nakiki-compete,” wika ng Fil-Am sa isang panayam.

“TikTok nga ang mga uso, ‘yong mga video, video games. Eh kung si teacher, dakdak lang nang dakdak, talagang sabi ko, ‘Kailangan makuha ko at­tention nila’,” dagdag pa niya.

Dahil sa kanyang malikhaing pagtu­turo, sinabi ng guro na makailang ulit na umano siyang nabigyan ng parangal. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.