Una sa Balita

Fil-Am Francisco Martin pasok sa American Idol

0 409

Nakapasok sa Top 20 ng American Idol ang Fil-American contestant na si Francisco Martin.

Pinalakpakan ng AI judges na sina Lionel Richie, Katy Perry at Luke Bryan ang cover version ng 19-year old contestant ng “Falling” ni Harry Styles. Sa version niya, pakiramdam ni Katy na si Bruno Mars ang kumakanta.

“Dazed and beyond grateful. Thank you American Idol for giving this anxious boy a chance,” post ni Francisco sa social media.

Ayon kay Luke Bryan, pang-heartthrob daw ang dating ni Francisco kaya hindi siya magtataka kung maraming girls ang mag-swoon kapag umaawit siya.

Sey naman ni Lionel Richie na isang rising star si Francisco dahil nahanap na nito ang kanyang confidence sa pag-perform.

Ipagmamalaki naman daw ng AI host na si Ryan Seacrest kay Harry Styles ang pag-awit ni Francisco ng song nitong “Falling”. (Ruel Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More