Una sa Balita

Fil-Am Francisco Martin bigo sa American Idol

0 473

Nag-celebrate ang maraming Fil-Americans sa in Daly City, California dahil sa pagpasok sa Top 5 ng American Idol ni Francisco Martin.

Sa naganap na virtual AI finale, hindi makapaniwala si Martin na nakasama siya sa Top 5 na kinabibilangan din nila Dillon James, Jonny West, Arthur Gunn, at ang napiling AI winner na si Just Sam.

Kahit na hindi si Martin ang nanalo bilang bagong American Idol, nagpapasalamat ito sa maraming Pinoy na sumuporta sa kanya kaya siya umabot sa Final Five.

Sa naturang finale, inawit ni Marin ang “Adore You” ni Harry Styles at “Alaska” ni Maggie Rodgers.

Aminado si Martin na sobrang mahiyain siya pero sa kanyang first audition for AI, nakitaan na siya ng potential ni Luke Bryan kaya hindi raw nakakapagtaka na umabot siya sa Top 5.

After ng finale, ito ang pinost ni Martin sa kanyang Instagram:

“Hope you’re ready to travel with me onto the next chapter in life. There’s a ton of room, don’t be shy.” (Ruel Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More