Una sa Balita

Fil-Am food festival celeb sa Maui

0 214

MAHIGIT sa 2,000 katao ang nagtipon-tipon sa Maui Fil-Am Heritage Festival sa Queen Ka’ahumanu Center noong Oktubre 12 para ipagdiwang ang Fil-Am History Month.

Pinangasiwaan ng Maui Filipino ­Chamber of ­Commerce ang Fil-am festivities ay ­naglalayong ­gunitain ang naging kontribusyon ng ­Filipino-Americans sa lipunan, economy, ­gobyerno at kultura ng Hawaii at United States.

Ang Master P-Noy Chef Competition ay isa sa tampok sa festival na nagsimula noong 2011 ay ­inisponsoran ng Mama Sita ang nangunguna sa promosyon ng Filipino food heritage.

Naghanda at nagluto ang mga Fil-Am chef sa Maui ng kanilang bersyon ng pagkaing Pinoy, ­Filipino base sa mystery ingredients.

Ang Executive Chef na si Abby Ferrer ng Star Noodle Restaurant ang unang female contestant na naging bahagi ng cook-off challenge ang nagwagi.

Naipanalo ni Chef Ferrer ay ang mga sumusunod na putahe katulad ng Mama Sita’s Pork Caldereta Empanada with Braising Salsa, Chilled Talbos ng Kamote at Local Maui Gulay Salad with Bagoong Vinaigrette, Mama Sita’s Pork BBQ Skewers with Spicy Vinegar Sawsawan, Mama Sita’s Sinigang Fried Rice, Grilled Pampano and Sinigang Broth, Champorado Takoyaki with Tuyo at Condensed Coconut Milk.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy