Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Am family sa California pinagmumura, tinaboy ng CEO

0 368

Nakilala ang lalaking nagbitaw ng mga racist remark sa isang Filipino-American family sa Carmel Valley, California noong July 4.

Isang CEO sa cloud computing firm na Solid8 ang lalaki na si Michael Lofthouse.

Ayon sa ulat ng ABC30, nagdidiwang ang Orosa Chan family ng birthday sa isang restaurant sa Carmel Valley nang magsimula silang bastusin ng CEO na nasa kalapit na lamesa nila.

Ani Jordan Liz Chan, kumakanta lang daw sila ng “happy birthday” sa kanilang tiyahin na si Maria Orosa sa Bernardus Lodge and Spa’s Lucia Restaurant nang magsisisigaw si Lofthouse.

“F— you Asians. Go back to whatever f—— Asian country you’re from,” ang sigaw ni Lofthouse. “You don’t belong here.”

Maririnig sa video ang isang babae na nagsabi kay Lofthouse na ulitin ang kanyang sinabi pero tumitig lang ito sa camera.

Maya-maya ay nag-dirty finger ito at sinabing, “This is what I say. Trump’s gonna f— you” na sinundan niya ng “You f—— need to leave! You f—— Asian piece of s—!”

Isang waitress ang pumagitna at pinaalis ang bastos na CEO.

“No, you do not talk to our guests like that. Get out of here. These are our valued customers,” sabi niya.

Samantala, naglabas na ng written statement si Lofthouse para humingi ng paumanhin sa Fil-Am family.

“My behavior in the video is appalling. This was clearly a moment where I lost control and made incredibly hurtful and divisive comments. I would like to deeply apologize to the Chan family. I can only imagine the stress and pain they feel. I was taught to respect people of all races, and I will take the time to reflect on my actions and work to better understand the inequality that so many of those around me face every day.”  (IS)

https://www.youtube.com/watch?v=oX_r6PUcU2g

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.