Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Am engineer lodi sa NASA Mars project

0 125

Isang Filipino-American engineer ang bumida kasunod ng matagumpay na pag-landing ng Perseverance rover ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa Mars makalipas ang 203 araw na paglalakbay.

Sa tweet ng US Embassy sa Manila, “As we celebrate the successful landing of @NASA’s Perseverance rover on Mars, #DidYouKnow that #FilAm engineer Gregorio Villar III helped with its safe landing as the Entry, Descent, and Landing (EDL) Systems Engineer of the Mars 2020 Mission?”

Siya ang naatasang pangasiwaan ang matagumpay na entry, descent at landing ng Perseverance rover sa Mars.

“I was able to work on the Curiosity Rover… Then moved to on Perseverance in 2013. So I’ve been working on Perseverance for 8 years. It’s been quite a journey,” ani Villar sa panayam sa radyo.

SM food to go Banner Ad

Sinabi rin niyang hindi lamang siya ang nag-iisang Pilipino na nagtrabaho para sa historic mission ng Mars rover.

Isinilang ang 33-anyos na si Villar sa Amerika pero nakapiling niya ang kanyang ama sa Baguio noong 13-anyos pa lamang siya. Noong nag-aaral ay magaling daw siya sa math at science.

Nang magkolehiyo siya sa Amerika ay nag-aral siya ng physics at nag-apply para sa NASA scholarship.

Kalaunan ay nagkaroon siya ng masters in Astronautical Engineering sa University of Southern California. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.