Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fil-Am dinukot sa Zamboanga

0 198

Tinutugis ng militar ang mga dumukot sa isang 64-taong gulang na Filipino-American sa Dapitan City, Zamboanga del Norte nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng 42nd Infantry Battalion ng Philippine Army at 902nd Regional Mobile Force Company ng Philippine National Police, ang biktima na si Rex Triplet, residente ng Piacan, Sirawai.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na si Triplet kasama ang 24-taong gulang na asawa na si Celsa Maani nang harangan sila ng apat na armadong lalaki na nakamotorsiklo sa Barangay Piacan.

Bitbit ang m-203 na grenade launcher, sapilitang tinangay si Triplet sa isang nag-aabang na sasakyan, at nakatakas naman ang asawa ni Triplet na agad na tumakbo sa barangay para humingi ng tulong. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.