Una sa Balita

Fil-Am Darren Criss best actor sa Golden Globe

0 635

Maraming surprise winners sa kakatapos lang na 76th Golden Globe Awards. Surprise winner bilang Best Motion Picture Drama ang Bohemian Rhapsody na tungkol sa buhay ng Queen lead vocalist na si Freddie Mercury. Best Motion Picture Comedy naman ang Green Book.

Surprise winner din bilang Best Actress in a Motion Picture Drama ay si Glenn Close para sa pelikulang The Wife. Naging very emotional si Glenn sa pagtanggap niya ng kanyang award at pinasa­lamatan niya ang mga co-nominee niya.

Marami ang nagulat dahil inaasahan nila na si Lady Gaga ang mananalo para sa pelikulang A Star Is Born. Pero nanalo naman si Gaga ng award for Best Original Song for Shallow na naging duet nila ni Bradley Cooper sa A Star Is Born.

Panalo naman bilang Best Actor si Rami Malek para sa pagganap niya bilang si Freddie Mercury sa pelikulang Bohemian Rhapsody. Pinasalamatan niya ang yumaong singer pati na ang buong band members ng Queen.

Best Actor and Best Actress in a Motion Picture Comedy or Musical sina Christian Bale (Vice) and Olivia Colman (The Favourite)

Ang Fil-American singer-actor na si Darren Criss ang nanalong Best Actor in a Limited Series para sa papel niya bilang si Andrew Cunanan sa The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story.

Isa sa pinasalamatan ni Darren ang kanyang Filipina mother na isang Cebuana. Ito raw ang nag-push sa kanya na sundan ang kanyang pangarap na maging isang artist.

Ang nanalo namang best actress in a limi­ted series ay si Patricia Arquette for Escape At Dannemora.

Best Actor and Actress in a Drama Series ay sina Richard Madden (Bodyguard) and Sandra Oh (Kil­ling Eve).

Best Actor and Actress in a Comedy or Musical Series ay sina Michael Douglas (The Kominsky Method) and Rachel Brosnahan (The Marvelous Mrs. Maisel).

***

Heto ang ibang winners:

Best Foreign Language Film
Best Director: Alfonso Cuaron
Roma

Best Animated Film Feature
Spiderman Into The Spiderverse

Best Supporting Actor and Actress in a Motion Picture
Mahershala Ali (Green Book) and Regina King (If Beale Street Could Talk)

Best Original Score
First Man

Best Drama Series
The Americans

Best Comedy Series
The Kominsky Method

Best Supporting Actor and Actress in a TV series
Ben Whishaw (A Very English Scandal) and Patricia Arquette (Sharp Objects)

Cecil B. DeMille Award
Jeff Bridges

Best Limited Series
The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story

Carol Burnett Lifetime Achievement Award
Carol Burnett

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy