Una sa Balita

Fil-Am bida sa ‘The Chinese Lady’

0 298

SA isang dula na dalawa lang ang aktor, gaganap bilang pangunahing karakter si Filipino-­American actress Rinabeth Apostol upang ikuwento ang buhay ni Afong Moy, ang pinaniniwalaang unang babaeng Chinese na tumira sa Amerika.

Sinulat ang dula ni Lloyd Suh, at dinirekta ni Mina Morita.

Katulad ng ginawa sa mga Pinoy na idinisplay sa 1904 St. Louis World’s Fair ang nangyari kay Afong Moy, na mula sa Guangzhou ay dinala nina Nathaniel at Frederick Carne sa New York City noong 1834.

Ginawa siyang exotic display sa exhibit bilang ‘The Chinese Lady’, kung saan babayaran siya ng mga Kanong manonood nang 50 sentimos mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-dos ng hapon at mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi para lang makita itong kumakain nang naka-chopstick, maglakad upang mailantad ang kanyang lotus feet, at magsalita ng wikang Chinese sa isang silid na puno ng kagamitan at palamuting Tsino.

Bata pa lang, hilig na ni Apostol ang pag-a-artista, kung kaya ito ang tinahak niyang propesyon ngayong isa na siyang guro ng sayaw at teatro, at aktres sa Bay Area.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy