Una sa Balita

Fil-Am Bailey Muñoz, wagi sa ‘So You Think You Can Dance’

0 150

MULI na namang ­umangat ang talento ng mga ­Pinoy matapos na manalo sa ­idinaos na “So You Think You Can Dance” Season 16 ang Filipino-American breakdancer na si Bailey Muñoz.

Dahil sa nakuhang top prize sa sikat na US ­television show, ­binansagan si Munoz ­bilang “America’s Favorite Dancer”.

Pinataob ni ­Munoz sa kanyang husay sa ­pagsayaw ang iba pang mga finalist na sina Gino Coscolluela, Sophie ­Pittman, at Mariah Russell.

Related Posts

Nauna rito ang isa ring kapwa Filipino-­American na si ­Hannahlei Cabanilla ang itinanghal na winner sa nasabing paigsahan.

(Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy