Una sa Balita

Fil-Am author binida sa libro ang mga magsasakang Pinoy

0 319

SINULAT ni Filipino-American author Gabriel Pagtama ang isang novel na pinamagatang ‘Based on True Events: Watsonville Riots’.

Tungkol ito sa isang linggong pananakot at pagte-terrorize ng bulto ng white men sa mga Filipino farmworker sa Watsonville, California noong Great Depression.

Inakusahan ng mga puti na inaagaw ng mga Pinoy ang kanilang mga trabaho at dyowa.

Minulat aniya si Pagtama ng kanyang lolo, isang sakada sa Hawaii, tungkol sa marahas na kasaysayan ng mga magsasakang Pilipino sa Amerika. Sa ngayon, hangad ng Fil-Am author na maisapelikula ang kanyang nobela upang malaman ito ng mga bagong henerasyon ng mga Pilipino at Fil-Am. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy