Una sa Balita

Fil-Am Angelica Hale binigyan muli ng Golden Buzzer sa ‘AGT’

By
0 964

Hindi talaga nagpakabog ang Fil-Am na si Angelica Hale nang muli siyang nakakuha ng Golden Buzzer sa “America’s Got Talent: The Champions” matapos niyang kantahin ang “Fight Song.”

Una na niyang nakuha ito noong contestant siya ng “America’s Got Talent” two years ago kung saan siya ay naging first runner-up lamang dahil tinalo siya sa boto.

Talaga namang napatayo si Simon Cowell at ­super-palakpak sa kanya, at talagang in-interrupt nito si Mel B matapos nitong mag-comment na sana raw ay binigyan niya ng Angelica flavor ang hit song ni ­Rachel Platten.

Pero, sa sobrang paghanga naman ng huradong si Howie Mandel sa talent ni Angelica ay hindi na niya pinatagal pa ang paghihirap nito at pinindot nga ang Golden Buzzer upang dumiretso na siya sa Final Night ng nasabing contest.

Nakakatawa ‘yung pambu-bully ni Simon kay Mel B na obviously ay tuwang-tuwa rin sa ginawa ni Howie na aminado ring magaling ­talagang singer si Angelica.

Good luck, girl!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy