Una sa Balita

Fil-am, 2nd place sa America’s Got Talent

0 1

Isa na namang karangalan sa Pilipinas ang ibinigay ng isang 10-anyos na Filipino-American singer matapos na pumangalawa ito sa ‘America’s Got Talent’ ngayong taon.

Nakopo ng singer na si Angelica Hale ang ikalawang puwesto sa likod ng nanalong singing ventriloquist na si Darci Lynne.

Sa finale ng show nitong Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Pilipinas), naging emosyonal si Hale at nagpasalamat sa mga sumuporta mula sa umpisa hanggang sa finale ng talent search contest.

Abante Hiring – IT dep

Sa kanyang final act, standing ovation ang ibinigay ng apat na judges nang walang kahirap-hirap siyang bumirit ng kantang ‘Symphony’ ng British classical crossover band na Clean Bandits, kung saan makapigil-hininga ang ‘whistle note’ nito sa dakong dulo ng kanta.

Noong 2013, sumailalim sa kidney transplant si Hale kung saan ang nakuhang match ng kanyang kidney ay galing sa ina nitong Pinay na si Eva Bolando.