Una sa Balita

Fight deal, ako lang ang may ‘K’ – Pacquiao

By
0 1,879

KINARIR na ni Pambansang kamao Manny Pacquiao ang kaniyang posisyon bilang promoter.

Gamit ang Instagram, pinaalala­hanan ni Pacman ang sinumang may gustong makipagkasundo sa kaniya.

“I, through MP Promotions, will be hand­ling any and all negotiations for my next fight. Nobody is authorized to speak on my behalf. You know my number, call me,” ani Pacquiao sa kanyang IG account.

Kamakailan lamang nang napabilib ni figh­ting senator ang mil­yong katao sa seventh round TKO victory niya kontra Lucas Matthysse ng Argentina.

Namarkahan ang Pacquiao-Matthysse fight bilang first boxing event na fighter at promoter ang isang boksingero.

Nagbaba na rin ng mga posibleng makakaharap ang bagong WBA ruler.

Nasa listahan niya sina Amir Khan, Vasyl Lomachenko at Terence Crawford.