Una sa Balita

Fields ibabangon ang Columbian

By
0 901

Mga laro ­ngayon: (MOA Arena)

4:30 pm — Columbian Dyip vs Rain or Shine
7:00 pm — SMB vs Meralco

TATANGKAIN ng Rain or Shine na pinturahan ang solo-lead sa PBA Commissioner’s Cup kontra Columbian Dyip sa first game mamaya sa MOA Arena.

Sa nightcap ay sasalang na rin sa unang pagkakataon sa midseason tournament ang defending champion San Miguel Beer laban sa Meralco (2-1).

Wala pang talo sa tatlong laro ang Elasto Painters ni coach Caloy Garcia, kabuhol sa tuktok ang TNT KaTropa.
Kahit up-and-down ang kampanya ay maa­ngas ang simula ng Columbian, naipanalo ang dalawa sa apat na salang pero noong Biyernes ay pinakain ng alikabok ng Alaska, 134-103.

“We are going all-out to bounce back,” deklarasyon ni Columbian coach Ricky Dandan, na aaga­pay para sa pangalawang laro ni John Fields na pumalit kay CJ Aiken.

Nag-debut si Fields ng dambuhalang 39 points, 16 rebounds kontra Aces.

Huling naitakas ng E-Painters ang manipis na 98-97 win kontra NLEX noong Mayo 2, at kontra Columbian Dyip ay markado na ni Garcia ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

“They lead the league in turnover points so we have to limit our turnovers and our transition defense will play a big key if we want to limit their scorers,” anang coach. (Vladi Eduarte)