Una sa Balita

FIDE Age Group Chess tutulak sa Olongapo City

0 175

MAGSISILBING host ang Olongapo City sa susulong na Invitational FIDE Age Group Standard Chess Tournament sa Mayo 10-12 sa Gordon College of East Tapinac Oval Sports Complex para bigyan ng pagkakataon ang mga batang Pinoy woodpusher na makalikom ng FIDE rating points.

Bukas ito sa lahat ng Filipino chesser edad 20 pababa, gagamit ang three-day tournament ng nine-round Swiss System format at magbibigay ng total cash pot na P35,000 kasama ang FIDE rating points sa lahat ng mga kalahok.

Hahatiin ang event sa tatlong kategorya — 12-Under (2007 cut off year), 16-Under (2003) at ang 20-Under (1999).

Para sa mga interesado, makipag-ugnayan kay Joel Villanueva ng City Sports and Youth Development Office sa 0950-9060341 o mag-message sa kanyang Facebook o email account aveunallivjev@gmail.com. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy